‘DI TUGMA | Mga sagot ni Sec. Roque at SAP Go sa #nasaanangpangulo?, magkaiba

Manila, Philippines – Naging magkaiba ang mga pahayag nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Special Assistant to the President Bong Go nang sagutin ang #nasaanangpangulo?

Ito ay matapos magtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong kasama ang kanyang common law partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Kitty para mapahinga nitong weekend.

Sinabi ni Go na dumating sila ng Hong Kong madaling araw nitong Sabado October 6 pero ayon kay Roque nasa Davao City lang ang Pangulo.


Nitong nakaraang linggo, pinabulaanan nina Roque at Go na bumisita ang Pangulo sa ospital sa kabila ng mga haka-haka sa kalusugan ng Pangulo.

Pero mismo si Pangulong Duterte na ang nagkumpirma na nagtungo ito sa Cardinal Santos Medical Center para sumailalim sa colonoscopy at endoscopy.

Facebook Comments