‘DI TULOY | PDEA, hindi na itutuloy ang planong pagkasa ng surprise drug test

Manila, Philippines – Wala nang plano ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng surprise drug test sa mga kandidato.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, noong 2004 at 2007 elections ay nagkaroon ng mandatory drug testing sa mga kandidato para sa public office pero noong 2008 sinabi ng Korte Suprema na ito ay unconstitutional.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na wala na siyang planong ituloy ang ideya.


Una nang sinabi ng Malacañang na hindi nila susuportahan ang panukalang mandatory drug test sa mga kandidato kung saan dapat ay boluntaryo lamang itong gawin.

Sinabi pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi aniya pwedeng pwersahin ang isang kandidato kung ayaw nito.

Facebook Comments