‘DI TULOY | Planong paglipat sa New Bilibid Prison, hindi na itutuloy

Hindi na itutuloy ng Bureau of Corrections (BuCor) ang planong ilipat sa ibang lugar o sa probinsiya ang New Bilibid Prison (NBP) na nasa Barangay Poblacion, Muntilupa City.

Ito ang kinumpirma ni BuCor Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pagharap sa budget hearing ng Senado.

Ayon kay Dela Rosa, ibinasura ni dating Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang nasabing plano dahil sa magiging gastos nito.


Paliwanag pa ni Dela Rosa, ang nasabing hakbang ay kontra rin sa plano ng BuCor na “regionalization” kung saan ilalagay ang mga bilanggo sa mga piitang malapit sa kani-kanilang pamilya.

Sabi ni Dela Rosa, sa halip na ilipat ang NBP ay magdadagdag na lang ang BuCor ng mga prison facilities sa mga rehiyon.

Pinaalala pa ni Dela Rosa na hiniling nila noon na magkaroon ng pondo para sa pagtatayo ng anim na prison facilities pero nang lumabas ang 2018 General Appropriations Act ay para lamang sa isang prison facility ang binigyan ng pondo.

Facebook Comments