‘DI TULOY | Repatriation ng Rohingya Muslims pabalik ng Myanmar, posibleng hindi matuloy

Posibleng hindi matuloy ngayong araw ang nakatakdang repatriation ng Rohingya Muslims pabalik ng Myanmar.

Nabatid na aabot sa 2,200 refugees ang nakatakda sanang pauwiin.

Matatandaang nagsimula na ang Bangladesh sa preparasyon nito na pauwiin ang initial batch ng Rohingya Muslims, base na rin sa bilateral plan na napagkasunduan nila ng Myanmar nitong Oktubre.


Tiniyak naman ng Bangladesh na hindi nila pe-pwersahin ang sinuman na umuwi.

Sa tala, nasa 700,000 Rohingya Muslims ang lumikas kasunod ng crackdown sa Rakhine state sa Myanmar.

Facebook Comments