DIALYSIS CENTER SA CALASIAO, MALAPIT NANG BUKSAN

Magkakaroon na ng mas malapit at abot-kayang dialysis treatment ang mga residente ng Calasiao matapos ihayag kamakailan ng lokal na pamahalaan ang nalalapit na pagtatapos ng itinatayong Dialysis Center sa bayan.

Ayon sa tanggapan, itinayo ang pasilidad bilang tugon sa kakulangan ng medikal na pasilidad at sa patuloy na pagdami ng mga pasyenteng nangangailangan ng modernong dialysis treatment.

Nakakalungkot umano na marami pa ring pasyente ang napipilitang bumiyahe pa sa ibang bayan para lamang makapagpagamot. Dagdag gastos pa ang transportasyon at distansya na nakakaapekto pa sa kalusugan ng pasyente.

Dahil dito, inaasahang mas mapapalapit ang de-kalidad na serbisyong medikal sa mga Calasiaoeño, maging sa mga residente mula sa kalapit lugar.

Bahagi umano ito ng pinaigting na programang pangkalusugan upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments