DIARRHEA OUTBREAK | Mga namatay sa Balabac, Palawan, pumalo na sa 10

Balabac, Palawan – Idineklara na ang diarrhea outbreak sa bayan ng Balabac sa Palawan.

Kasunod na rin ito ng pag-akyat sa sampu ng bilang ng mga namatay sa dahil sa severe dehydration bunsod ng diarrhea.

Kabilang sa mga huling nasawi ay ang labing isang taong gulang na sanggol.


Aabot sa dalawang daang tao ang nasa ospital dahil sa nasabing sakit.

Batay sa report ng provincial health office, posibleng kontaminado ang pinagkukunang tubig ng mga residente sa Balabac.

Pinayuhan naman ang mga residente na panukuan muna ang iinuming tubig upang makaiwas sa sakit.

Facebook Comments