Misamis Oriental – Kontrolado na ng mga opisyal ng Medina, Misamis Oriental ang nangyaring diarrhea outbreak sa lungsod na ikinamatay ng isang senior citizen.
Inihayag ni Medina Municipal Health Officer Dr. Alma Enriquez sa hearing ng Sangguniang Panlalawigan ng Misamis Oriental kahapon na bumaba na sa 19 ang mga pasyente na nasa Medina Hospital noong Huwebes mula sa mahigit apat na raang pasyente sa nakaraang linggo.
Namatay sa insedente ang 71 taong gulang na si Antonio Magallanes dahil sa dehydration.
Sinabi naman ni Medina Mayor Donato Chan na agad silang gumawa ng mga hakbang para matugunan ang problema.
Idinagdag ni Chan na inaalam pa nila ngayon kung paano nagkaroon ng cholera bacteria ang tubig sa kanilang lungsod.
Facebook Comments