Diarrhea outbreak sa Siargao na ikinasawi ng 7 katao, kontrolado na

Inihayag ng provincial government ng Surigao del Norte na kontrolado na ang diarrhea outbreak sa Siargao na ikinamatay ng 7 katao.

Ayon kay Surigao del Norte Governor Francisco Matugas, mula sa 120 pasyenteng naka-confine noon sa Siargao District Hospital ay nasa 80 na lamang ito sa ngayon.

Itinuturong dahilan ng outbreak ang kakulangan ng supply ng malinis na maiinom na tubig at ang hindi maayos na paghuhugas ng kamay ng mga residente.


Bukod diyan, naging problema rin ang paghahatid ng relief goods sa isla dahil limitado lamang ang mga bangka at vessel na maaaring gamitin matapos masira ng Bagyong Odette.

Facebook Comments