DIAZ SPILLWAY SA BASISTA, NILINIS MATAPOS ANG PAGBAHA

Nagsagawa ng declogging operation ang awtoridad sa Agno spillway sa Brgy.Diaz, Bautista, matapos makaapekto sa pagbahang naranasan sa ilang bahagi ng bayan.

Batay sa inisyal na pagsusuri, nagdulot ng pagbaha ang mga nakabarang putik at debris sa Diaz Spillway na pumigil sa maayos na daloy ng tubig kaya kinakailangang linisin ang lugar upang maiwasan ang pag-apaw sa mga kabahayan.

Tinanggal ang mga materyal na nakabara tulad ng putik at basura upang mapanumbalik ang normal na agos ng tubig.

Ayon sa MDRRMO, magpapatuloy ang monitoring at paglilinis sa mga flood-prone areas bilang paghahanda sa mga susunod na pag-ulan.

Facebook Comments