Dibidendo na matatanggap ng Pag-IBIG members, mananatiling mataas

Kinumpirma ng Pag-IBIG Fund na mananatili sa mahigit 5% ang kanilang dividend rates para sa taong 2021

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti ,5.16% per annum ang rekomendadong Pag-IBIG Regular Savings habang 5.66% per annum
Modified Pag-IBIG 2 Savings

Sa ilalim kasi ng Pag-IBIG Fund charter, ang ahensya ay obligadong ideklara ang 70% ng kanilang annual net income bilang dividends


Ito naman ay pantay-pantay na paghahatian ng mga miyembro ng Pagibig

Nilinaw din ni Moti na ang dividend rates ng Pag-IBIG ay mas mataas kumpara sa ibang savings accounts at financial products sa merkado

Ipinagmalaki rin ni Moti na kahit na mahigit dalawang taon nang may pandemya, patuloy pa ring tumataas ang kanilang savings.

Facebook Comments