Manila, Philippines – Malaki pa rin ang paniniwala ni House Speaker
Pantaleon Alvarez na magbabago ang pagtingin ng Pangulo sa Absolute Divorce
and Dissolution of Marriage sa kabila ng pahayag ni Pangulong Duterte na
hindi na niya suportado ang panukala.
Ayon kay Alvarez, `open-minded` naman ang Presidente sa diborsyo dahil
matagal na itong napag-usapan.
Maliban dito, tinitiyak naman ng panukala ang kapakanan ng mga anak.
Handa din si Alvarez at ang ibang may-akda ng Divorce Bill na magpaliwanag
kay Pangulong Duterte kapag nakalusot na ito sa Mataas na Kapulungan.
Kaugnay dito, walang balak si Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa may-akda ng
Absolute Divorce and Dissolution of Marriage, na isuko ang panukala dahil
sa hindi pagsuporta dito ng Pangulo.
Sinabi ni Lagman na hindi siya titigil sa pagsusulong ng divorce bill dahil
ang pahayag na hindi susuportahan ang panukala ay nanggaling lamang kay
Presidential Spokesman Harry Roque at hindi naman direkta na sinabi ni
Pangulong Duterte.
<#m_6535799049369571625_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>