DICT at NTC, handa nang tuldukan ang operasyon ng E-sabong sa bansa

Nakahanda na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na tapusin ang operasyon ng E-sabong sa bansa.

Kasunod ito ginawang paghingi ng tulong ng Philippine National Police (PNP) sa DICT at NTC para habulin ang mga operator ng E-sabong.

Nangako ang dalawang ahensya na tatapatan ang paggamit ng makabagongn teknolohiya sa pag-operate ng E-sabong.


Marami ang tumatangkilik sa E-sabong dahil cellphone lang ang gamit at hindi tulad ng regular na sabungan na kapag menor de edad ay hindi makakapasok.

Magugunita na maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay naalarma na rito dahilan para maglabas ito ng Executive Order No. 9 na naglalayong ipatigil ang operasyon ng nabanggit na online game.

Facebook Comments