May hiwalay na imbestigasyong ginagawa ang Department of Information and Communication Technology (DICT) kaugnay sa reklamo laban sa GCash matapos ang nangyaring authorized cash transfer.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na marami silang natanggap na reklamo laban sa GCash kaya ang gagawin aniya nila ay alamin ang lapses ng GCash sa nangyari.
Sa kabila naman na nagpahayag na ang GCash na walang nangayring hacking sa kanilang system at safe ang pera ng mga GCash user, sinabi ng kalihim kailangan pa rin na may mag-imbestiga sa insidente na mga proper authority para matukoy kung totoo ang kanilang sinasabi o hindi.
Self-serving ayon sa kalihim kung mismong GCash ang magpapaliwanag sa naganap sa system glitch.
Ayon pa kay Secretary Uy na batay sa inisyal na ulat ng GCash, phishing ang nangyari ibig sabihin aniya ay ay isang GCash user ang nakuhaan ng credentials ng mga cyber criminal at nagamit ito kaya nakapasok sa mga account ng mga GCash user kaya nailipat ang pera.
Sa ngayon payo naman ni Secretary Uy sa mga nawalan ng pera na magreklamo muna sa GCash at kapag natukoy nang GCash na lehitimo ang complain dapat na bayaran nila ang claimant pero kapag napatunayan naman ng GCash na kapabayaan ng user ang dahilan nang pagkawala ng pera wala aniyang sagutin dito ang GCash.
Payo rin ng kalahim sa mga gumagamit ng digital wallet gaya ng GCash at mobile banking, dapat na gamitin lamang ang app sa pag-open ng account at huwag gagamit ng search engine sa website, huwag ding magbibigay ng personal information gamit ang text messages at tawag.