DICT, handang magrekomenda ng bagong tech provider sa 2022 midterm elections

Maglalabas ng rekomendasyon ang Department of Information and Communications Technology o DICT bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pagbili ng teknolohiya sa Smartmatic.

Sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System – sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio na maglalabas sila ng rekomendasyon na kanilang isusumite sa Comelec at ilalabas sa publiko.

Aniya, ang bubuuing rekomendasyon ay para sa sistema o teknolohiya na maaaring ikonsidera sa susunod na eleksyon kung saan hindi na kasali ang Smartmatic.


Facebook Comments