DICT, hinikayat ang publiko na iparehistro ang kanilang SIM cards simula ngayong araw

Hinimok ni Department of Information and Communications Technology o DICT Usec. Ana Mae Lamentillo ang publiko na iparehistro ang mga Subscriber Identification Module o SIM cards simula bukas, Disyembre a-27.

Batay sa Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act, kinakailangang iparehistro ang mga SIM card sa loob ng 180 araw upang maiwasan ang deactivation.

Binigyang diin pa ni Lamentillo na online lamang maaaring iparehistro ang mga SIM card sa pamamagitan ng mga link na ipadadala ng mga telecommunication company o ng SIM provider.


Ibigay lamang ang mga kinakailangang impormasyon tulad ng pangalan, address at kopya ng valid ID tulad ng company ID, passport at iba pang government issued IDs .

Pagtitiyak ng DICT, protektado ang mga impormasyong ng publiko sa kanilang pagpaparehistro salig sa umiiral na data privacy act.

Facebook Comments