
Hinimok ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na i-report sa Action 1326 ang anumang reklamo laban sa mga social media at online selling platforms.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, ito ay kasunod na rin ng pagpapaigting sa Zero Tolerance Policy kontra online harms gaya ng fake news, online scam at deep fakes.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng DICT ang bentahan ng mga iligal na produkto online.
Kasama na rin dito ang paglaganap ng mga pekeng balita.
Hinikayat ng kalihim ang lahat na manatiling mapagmatyag at agad i-report sa DICT at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang ano mang illegal online activities o fake news.
Facebook Comments









