DICT, iginiit na sinuring mabuti ang kwalipikasyon ng Mislatel Consortium bago pinili bilang ika-3 telco

Manila, Philippines – Sinuring mabuti ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang mga dokumento at kwalipikasyon ng Mislatel Consortium, kasama ang prangkisa nito bago pinili bilang ikatlong telco.

Ito ang binigyang diin ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr. sa pagdinig ng senate committee on public services.

Ayon kay Rio, kasama sa mga dokumentong isinumite ng mislatel consortium ang sulat mula sa kongreso na nagsasabi na valid ang prangkisa ng Mislatel Corporation.


Sabi ni Rio, sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang 90-araw na pagreview nila sa pagtugon ng Mislatel Consortium sa lahat ng reguirements.

Sa panahong ito ay kailangang maitransfer sa consortium ang prangkisa ng mislatel corporation.

Tiniyak ni Rio na kung sa bandang huli ay makikitang silang problema

Lalo na sa prangkisa, ay babawiin nila ang pagpili dito para maging ikatlong telco na mag-ooperate sa bansa.

Kapag nangyari aniya ito ay babalik muli sa simula ang proseso para sa 3rd telco project.

Facebook Comments