Dumipensa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa isyu ng pagbili nito ng P170-M na halaga ng mga gadgets.
Sa isang statement, iginiit ng DICT na walang anomalya sa pagbili nito ng laptop, pocket WiFi at mga tablet sa isang construction company.
Ayon pa sa DICT, may mga Local Government Unit (LGU) na rin kasi ang nakikipagtransaksyon sa Lex Mar General Mechandise and Contractor dahil wholesaler din ito ng school supplies .
Inihalimbawa nito ang Quezon City na may mga kontrata na rin sa kompanya sa pagkuha ng mga computer at laptop.
Facebook Comments