Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary John Ivan Uy na siguruhing makakasabay ang mga LGU sa isinusulong na e-Gov system ng kanyang administrasyon.
Ang utos ay ibinigay ng pangulo kay Uy sa kanilang isinagawang sectoral meeting sa Palasyo kung saan humingi ang Chief Executive ng report sa kalihim kaugnay sa pending projects ng ahensiya at mga concern na may kinalaman sa cyber security.
Utos ng Punong Ehekutibo sa DICT, sa mga LGU na tiyaking sapat ang kaalaman kung paano mag-ooperate ang digitalization sa kani-kanilang area.
Binigyang diin din ng pangulo ang pagsasagawa ng regular na upgrading lalo’t ito naman talaga aniya ang galawan kung pag-uusapan ay digitalization.
Disyembre nang inanunsiyo ng DICT ang ipatutupad na e-Gov system kung saan ay isasama ang e-Gov Super App na isang platform na titiyak sa paggamit ng digitalization sa government systems ng bansa.
Nakatakda namang ilunsad ang e-Gov Super App sa susunod na buwan.