Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-leak ng data ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos ang Medusa ransomware attack.
Sa isang statement, sinabi ng DICT na in-upload umano ng Medusa ransomware group ang kopya ng mga file dalawang araw makalipas ang deadline sa ransom payment na P17 bilyon.
Kabilang sa mga nag-leak na impormasyon ay mga litrato, bank cards, at transaction receipts.
Matatandaang sinabi ng PhilHealth na nananatiling intact ang database ng mga miyembro at tanging mga impormasyon lamang ng kanilang mga kawani ang apektado.
Facebook Comments