DICT, magsasagawa ng digital parenting conferences kontra “momo challenge”

Manila, Philippines – Patuloy na magsasagawa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng digital parenting conferences.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity and Emerging Technologies Allan Cabanlong – layunin nito na tulungan ang mga magulang na bantayan ang online activities ng kanilang mga anak kasunod ng viral “momo challenge” sa social media na nagdudulot ng self-harm at suicide sa mga kabataan.

Tiniyak naman ni DICT acting Secretary Eliseo Rio – na patuloy din ang kanilang monitoring sa sitwasyon at bubuo ng mga polisiya at technical remedies para matugunan ang isyu.


Ngayong taon, plano ng cybersecurity bureau na magsagawa ng forum sa mga probinsya, simula sa Cagayan de Oro sa April 4.

Facebook Comments