Nakatakdang magsagawa ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) hardware check o pagsusuri sa mga office laptops at computers ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Partikular sa mga tauhan ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) na gumagamit ng kani-kanilang social media.
Ayon kay PCG Spokersperson Rear Admiral Armando Balilo, ito’y upang masiguro na matatanggal ng CICC ang mga malware na nagamit ng tatlong hackers para mapasok at mapakialaman ang official FB page ng Coast Guard.
Paraan na din ito upang mapalaks pa ang cybersecurity ng PCG para mapigilan amg mga nagbabalak na pasukin ang kanilang sistema kabilang ang social media.
Nagpapasalamat naman si PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan sa DICT sa suportang ibinigay nito sa Coast Guard Public Affairs Service para mabawi ang official Facebook page at mapalakas pa ang online security ng Coast Guard.