DICT, makikipagtulungan sa DepEd at CHED para sa free WiFi sa mga eskwelahan

Nakikipagtulungan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para ilunsad ang libreng WiFi sa mga paaralan.

Sa kanyang weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang planong ito ay nakahanay sa pagsasagawa ng alternatibong paraan ng pagtuturo tulad ng online learning.

Magkakaroon din ng coordination ang DICT sa mga state universities at colleges at iba pang educational institutions.


Una nang sinabi ng DepEd na gagamit sila ng online learning, maging telebisyon at radyo sa paghahatid ng lesson para sa nalalapit na school year na magsisimula sa August 24.

Ang pagbubukas sa mga kolehiyo at unibersidad naman ay nakadepende sa education delivery mode.

Facebook Comments