Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga scammer na gumagamit ng mga ninakaw at pre-registered na SIM cards.
Ayon kay Information and Communications Technology Undersecretary Anna Mae Lamentillo, may mga report silang natanggap na may ilang indibidwal ang nagbebenta ng mga nakaw na SIM cards o pre-registered SIM cards.
Ayon sa kalihim, may katapat itong parusang multa at pagkakakulong.
Kaugnay nito, hinimok ng DICT ang publiko na agad i-report sa telecommunications provider kapag sila ay nanakawan ng SIM card dahil maaari itong magamit ng scammers sa kanilang iligal na aktibidad.
Maaari rin aniyang gumamit ang scammers ng “spoofing” kung saan maaari nilang itanggi na sa kanila ang display name sa mga pinapadalang text messages.