Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa mga online scammers na nananamantala sa sitwasyong dulot ng COVID-19.
Ayon sa ahensiya, gumagamit ang mga scammers ng email kung saan nag-se-send dito ng mga link na kinakailangan umanong pindutin upang hindi ma-deactivate ang mga bank accounts ng kanilang mga bibiktimahin.
Dahil dito, nag-babala ang DICT na huwag pansinin ang mga ganitong messages at agad na i-report sa kani-kanilang mga bangko para sa seguridad ng kanilang mga bank account.
Facebook Comments