DICT, nagpaliwanag sa nagpapatuloy na text scams sa kabila ng pagpapatupad ng SIM Registration law

Sa budget hearing na pinanungahan ng house committee on appripriations ay nagpaliwanag ang Department of Information and Communication Technology (DICT) kung bakit nagpapatuloy ang mga text scam sa kabila ng pagpapatupad ng SIM Registration law.

Ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center Executive Director Alexander Ramos, bumibili ang mga organized syndicates ng mga SIM cards na nakarehistro na at ginagamit nila sa text scams.

Dagdag pa ni Ramos, gumagamit din ang mga sindikato ng mga machine na hindi na kailangan ng sim cards para makapagsagawa ng text blasts kaya nakipag-ugnayan na sila sa Bureau of Customs para mapigilang makapasok sa bansa ang ganitong makina.


Umaabot sa 118 milyon ang mga SIM card na nakarehistro sa bansa at pinayuhan ni Ramos ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang anumang panloloko o iligal na aktibidad gamit ang SIM.

Facebook Comments