Umaabot na sa 138,000 digital COVID-19 vaccine certificates ang naipamahagi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) simula nang ilunsad ito ngayong buwan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DICT Undersecretary Manny Caintic na ang nasabing numero ay mula sa 225,000 vaccine certificate requests na kanilang natanggap sa buong bansa.
Nitong buwan ay inilunsad ang VaxCertPH sa Metro Manila maging sa Baguio City na layuning i-integrate o pag-isahin na lamang ang mga contact tracing apps, at iba pang aplikasyon para sa QR Code tuwing buma-biyahe ang publiko.
Ani Caintic, prayoridad ng DICT na magawaran ng vaxx cert ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) gayundin ang mga international traveler.
Facebook Comments