DICT, nakipag-ugnayan na sa FB para iturn-down ang “momo challenge” app

Manila, Philippines – Nakikipagtulungan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Facebook para tanggalin ang “momo challenge”.

Ang “momo challenge”, ay isang messaging application na isinisisi sa pagkamatay ng isang 11-anyos na bata sa bansa.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity and Enabling Technologies Allan Cabanlong – nakipag-ugnayan na sila sa Facebook Philippines upang alisin ang app sa kanilang social media network.


Aniya, ang Facebook kasi ang platform na ginagamit para i-distribute ang app, sa pamamagitan ng “WhatsApp”.

Ang Facebook ay proactive sa pagpapahinto ng sirkulasyon ng momo challenge dahil mayroon silang community standard na nagbabawal sa anumang pisikal na pananakit na posibleng magdulot ng self-injury o kaya naman ay kamatayan.

Nanawagan ang DICT, maging ang NBI at PNP sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng social media.

Facebook Comments