Nakiusap ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kay Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na puwersahin ang mga telecommunication companies na pagbutihin ang kanilang serbisyo.
Ito ang pahayag ng DICT kasunod ng mga ulat na bahagyang bumilis ang internet speed sa bansa.
Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Rey Caintic, dapat paigtingin pa ng Pangulo ang pagtutulak sa pagkakaroon ng maayos na telco services sa bansa.
Pero sinabi rin ni Caintic na dapat gawin din ng gobyerno ang parte nito na tulungan ang mga telco na pagandahin ang kanilang serbisyo.
Batay sa report ng Ookla, global leader sa mobile at broadband intelligence, ang mobile download speed sa bansa ay bumilis ng 202.41% mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2020, habang ang fixed broadband speed ay bumilis ng 297.47% sa kaparehas ding panahon.