DICT, nanindigang hindi na magbibigay ng extension sa SIM registration pagkatapos ng July 25 deadline

Nanindigan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring extension pagsapit ng July 25 deadline para sa SIM card registration.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.

Ani Dy, pagsapit ng July 26, mapuputol ang mga koneksyon kapag ang SIM card ng mga subscriber ay hindi pa rehistrado.


Sa ngayon, pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.
Dagdag ni Dy, bagama’t katumbas lang ito ng 60%, 59.67% ng total SIM cards na nabili, maituturing na rin itong malaking naabot.

Facebook Comments