DICT, pinag-iingat ang publiko laban sa ilang nagpapanggap na indibidwal na naghihingi ng donasyon sa mga pribadong kompanya

Nagbabala sa publiko ang Department of Information & Communication Technology (DICT) laban sa ilang indibidwal na nagpapanggap na mga opisyal at tauhan ng ahensiya.

Kasunod ito ng mga ulat na natanggap ng DICT na may ilang indibidwal ang nagpapakilalang opisyal at tauhan nito na nanghihingi ng donasyon sa mga private company.

Ang parehong modus ay iniulat din na ginamit upang gayahin ang mga opisyal mula sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.


Giit ng DICT na wala silang pinahihintulutang sinumang indibidwal na manghingi ng donasyon sa mga pribadong kompanya at ahensiya ng pamahalaan.

Gumagamit umano ng iba’t ibang mobile numbers ang mga ito para linlangin ang kanilang bibiktimahin.

Kaugnay nito, pinayuhan ng ahensiya ang publiko na maging mapagbantay at agad isuplong ang anumang kahinahinalang transaksyon at tiwaling aktibidad sa information@dict.gov.ph. para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments