DICT, pinaiigting na ang cybersecurity infrastructure ng bansa para sa darating na halalan

Pinaiigting pa ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang cybersecurity ng bansa sa harap ng nalalapit na halalan sa Mayo.

Kasunod na rin ito ng dumaraming kaso ng hacking at cybercrime.

Ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy, mas nagiging malikhain at mapangahas ngayon ang mga cybercriminal na gumagamit ng istratehiyang carrot-and-stick para manloko.


Sa nasabing istratehiya, nagpapanggap na kawani ng pamahalaan ang scammer at pinapangakuan ng reward, loans o trabaho ang biktima.

Ikinababahala din ng DICT ang pagkalat ng International Mobile Subscriber Identity Catchers na sumasagap ng data sa pamamagitan ng pag-hack sa mga cell site.

Hinimok naman ng kalihim ang publiko na maging mapagmatyag sa mga manloloko at agad na i-sumbong sa mga awtoridad ang mga scammers.

Facebook Comments