DICT, tiniyak ang mahigpit na internet security sa nalalapit na halalan

Tiniyak naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Senado na mahigpit ang inilatag nilang online security para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Ito ang tiniyak ni DICT Planning Officer 3 Engr. Michael Gorospe sa pagdinig ng Senado kung saan tiniyak niya ang mahigpit na pagbabantay sa internet security ng bansa upang hindi mapasok ng mga hacker ang sistema sa papalapit na midterm elections.

Aniya, pinaigting ang monitoring sa security at integrity ng transmission ng mga boto at nakikipag-ugnayan ang DICT sa mga telcos at sa NTC para sa regular na pag-refresh at pag-update ng kanilang security system at pagtugon sa standards.


Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DICT sa Tiktok, Facebook, at iba pang social media platforms para matugunan ang reklamo ng mga fake news at agad mapabura ang mga malisyosong content na laganap ngayong panahon ng kampanya.

Samantala, sa aspeto naman ng hacking na sponsored ng China sa ilang mga website ng gobyerno, siniguro ng DICT ang patuloy na pagbabantay at mayroon nga silang namo-monitor na APT Group Advanced Persistent Threat na may kinalaman sa China at iba pang state actors.

Facebook Comments