DICT Usec. Emmanuel Caintic, bagong kalihim ng departamento

85

Pormal nang itinaga ng Malakanyang si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Emmanuel Rey Caintic bilang bagong kalihim ng ahensiya.

Para ito sa huling anim na buwang panunungkulan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Caintic ang nanguna sa ilang flagship program ng DICT kung saan pinangasiwaan niya ang paglulunsad ng Vaxcert.ph program.


Ang appointment ng bagong kalihim ay dalawang buwan matapos ang pagbibitiw nitong Oktubre ni former ICT Secretary Gregorio Honasan II para sa kandidatura nito sa pagkasenador sa eleksyon 2022.

Nagtapos si Caintic na may degree in physics with computer engineering sa Ateneo de Manila University.

Facebook Comments