DIDISTANSYA | Majority bloc ng Kamara, hindi manghihimasok sa pagpili ng lider at mga miyembro ng minority

Manila, Philippines – Hindi mangingialam ang House majority bloc sa gagawing pagpili sa lider at magiging miyembro ng minority bloc.

Ayon kay Deputy House Speaker Rolando Andaya Jr., didistansya sila sa usapin.

Pero kung aabot sa puntong kinakailangan nila ng desisyon, maari silang makialam sa guidelines kung papano sila boboto.


Apat na kongresista naman ang nakikita niya na pagpipilian bilang house majority floor leader.

Maliban sa kanya, kabilang din sina congressman Fredenil Castro at Rodolfo Fariñas.

Hindi naman pinangalanan ni Andaya ang isa pa.

Facebook Comments