Die-in protest, isinagawa sa harap ng Chinese Embassy bilang pagkondena sa arrest policy na ipinataw sa WPS

Nagsagawa ang grupong Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ng kilos-protesta at die-in protest sa tapat ng Chinese Embassy ngayong araw bilang pagkondena sa arrest policy na ipapataw umano ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Isinagawa ang protesta sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, sa Makati City, na sinabayan ng literal na pagbasura sa papel na naglalaman umano ng probisyon ng nabanggit na polisiya.

Ayon sa ilang tagapagsalita ng alyansa, patuloy ang gagawing pagkalampag at paggiit sa karapatan ng Pilipinas sa WPS, lalo na sa darating na ika-15 ng Hunyo, ang nakatakdang araw ng implementasyon ng naturang polisiya.


Nakasama rin sa binasura ng alyansa ang naging kasunduan ‘di umano sa pagitan ng China at nakaraang administrasyon hinggil sa pagpapatayo o pagkukumpuni ng mga imprastraktura sa pinag-aagawang teritoryo ng Spratly Islands.

Facebook Comments