Diego Loyzaga, inireklamo ng isang grab driver

Manila, Philippines – Inireklamo ng isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver ang actor na si Diego Loyzaga.

Ayon sa Grab driver na si John Ronnel Paglalunan, magbababa lang siya ng pasahero sa Taft Avenue sa Maynila nang may dumaang dalawang sasakyan at isang motorsiklo.

Aniya, dito na bumaba ang aktor saka pinagsisipa at kinatok ang kaniyang bintana.


Maliban sa nasira ang ilang bahagi ng sasakyan, natakot aniya ang kaniyang ihahatid na pasahero.

Samantala, iginiit ng ina ng aktor na si Teresa Loyzaga hindi totoong pinagsisipa ni Diego ang sasakyan ni Paglalunan.

Sa kabila nito, sinabi ng kampo ng aktor na handa silang makipag-ayos sa Grab driver.

Facebook Comments