CAUAYAN CITY – Nilagdaan ng Cooperative Development Authority (CDA) Region 2 Extension Office ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasabay ng pagbibigay nito ng Digital 2-in-1 Corn and Rice Mill Combined Machineries na may kasamang generator set.
Sampung kooperatiba sa buong Rehiyon Dos ang nabigyan ng nasabing makinarya gaya ng United BANGSPAVILCA Farmers Agriculture Cooperative (U-BANGS COOP), Padul farmers Agriculture Cooperative (PFAC), Mozzbuenas Farmers Agriculture Cooperative, Northeast Luzon Farmers Agriculture Cooperative, at marami pang iba.
Malaking tulong umano sa kooperatiba ang mga naipamahaging Corn and Rice Mill dahil mas mapapahusay na ang pagproseso ng kanilang mga aning palay at mais.
Ang proyektong ito ay sa ilalim ng Capability Enhancement of Micro Agriculture Cooperative through Cooperative Development Projects.