Nakatakdang ilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang application para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa susunod na buwan.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, sa pamamagitan nito ay ma-aaccess na ng mga OFWs ang kanilang overseas employment certificate (OEC) at iba pang dokumento digitally.
Nakatakda sana itong ilunsad sa darating na October 15 ngunit napagdesisyunang ilipat sa October 27 ang launch date.
Paliwanag ni Ople, sasailalim pa ang digital portal sa mga test upang masigurong hindi magkakaroon ng glitches sa bagong petsa ng paglulunsad nito.
Sa pamamagitan nito ay malaki ang matatapyas sa processing time sa mga dokumento ng OFWs at magiging mas simple na lamang ito.
Facebook Comments