DIGITAL ART PERO GINAMITAN NG AI, BINATIKOS MATAPOS MANALO SA CONTEST

CAUAYAN CITY- Trending ngayon online ang isang artist na nanalo sa inilunsad na digital art competition ng isang electric cooperative sa Probinsya ng Cagayan.

Ang entry kasi nito ay gawa umano ng AI at kumuha lamang ng mga reference online para may maipasa sa contest kahit wala namang connection sa tema.

Marami sa mga netizens lalo na sa Digital Art Community ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya.


Cinall-out rin ng ibang artist ang nasa likod ng Digit-AI art na ito ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa itong inilalabas na statement.

Samantala, sa comment section, nagpaliwanag ang coop at sinabing ikinalulungkot nila na nababash ngayon ang nasabing artist.

Nilinaw din ng coop na hindi ito nanalo dahil late siyang nagpadala ng entry, gayunman, tumanggap pa rin ito ng cash incentives.

Ayon sa mga netizens, sana sa susunod ay suriin mabuti ang mga ipinapasang artwork dahil hindi ito patas para sa mga tunay na artist na naglalaan ng kanilang effort at imahinasyon makagawa lamang ng isang orihinal na obra.

Facebook Comments