
Isinusulong ng International Labour Organization (ILO) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang proyektong “Advancing Digital and Green Skills for Youth in ASEAN.”
Layunin nito na paigtingin ang kakayahan ng kabataan sa digital at green skills sa sektor ng konstruksyon.
Ayon sa Southeast Asia Green Economy Report 2023, tinatayang $2 trilyon ang kailangang puhunan sa susunod na dekada para sa sustainable infrastructure at climate resilience sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Subalit, nahaharap ang construction sector sa mababang productivity at kakulangan sa skilled young workers.
Kaya’t binubuo na ng ILO, DOLE, at mga kasamang ahensiya ang mga industry-led training, apprenticeship programs, at regional skills standards para sa Pilipinas at Thailand.
Isa ring paraan para makalikha ng mas maraming disenteng trabaho, palakasin ang pagkakaroon ng mga trabaho ng kabataan at pasiglahin ang digital gayundin ang green transformation ng sektor.
Kasama rin sa proyekto ang pagbuo ng regional dialogue upang isulong na makasabay sa skill standards sa buong ASEAN.









