Digital billboards at iba pang outdoor ads, ipinasasama na sa mga ligal na election propaganda

Ituturing na ligal na election propaganda ang mga digital at static billboard at iba pang outdoor advertisements.

Ito ay kapag naging ganap na batas ang House Bill 8663 na layong amyendahan ang Republic Act 9006 o Fair Elections Act.

Sa ilalim ng panukala, ang mga digital billboards, outdoor advertising at kahalintulad ay ituturing na lawful election propaganda o ligal sa batas.


Ang pangangasiwa at regulasyon para dito ay pangungunahan ng Commission on Elections (COMELEC) at kailangang sumunod ang mga kandidato sa itatakdang limitasyon at oras.

Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) naman ang susunding guidelines kung ang digital billboards ay matatagpuan sa Metro Manila habang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) naman ang magpapatupad ng regulasyon para sa mobile o on transit advertisements.

Paliwanag sa panukala, napapanahon na ito sa gitna ng digital age at iba pang mga pagbabagong dala ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments