CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng pagpupulong ang Department of Trade and Industry Region 2 katuwang ang GCash sa bayan ng Echague, Isabela.
Isinusulong sa pagpupulong ang paggamit ng digital cash payments bilang mas ligtas, mas mahusay, at mabilis na paraan ng transaksyon.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong ay ang 50 market vendors ng Echague.
Layunin ng hakbang na ito ng DTI na palawakin at palakasin ang proteksyon sa konsyumer at sa pamamagitan ng pagbibigay kakayahan sa mga vendors na gumamit ng cashless payments ay mapapatatag nito ang negosyo sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya.
Facebook Comments