Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos na handa na sa Setyembre a-uno ang digital COVID-19 vaccine certificates o vaccination ID para sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Abalos, iniipon na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga datos ng lahat ng mga binakunahan sa NCR.
Una nang sinabi ni DICT Usec. Emmanuel Caintic na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Health (DOH) para sa paglulunsad ng “VaxCertPH”.
Aniya, handa na ang sistema para dito at nakakonekta na ito sa World Health Organization (WHO) countries.
Umapela naman si Abalos kay Caintic ng isang feature kung saan maaaring tingnan ng NCR LGUs kung nakatanggap na ng bakuna ang isang tao mula sa ibang lungsod para maiwasan ang pagtuturok ng booster shots.