Digital currency, malabo pa hanggang 2023 – BSP

Malabo pa para sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglabas ng sarili nitong digital currency hanggang sa 2023.

Sa ilalim ng Digital Payments Transformation Roadmap ng BSP, target na ma-convert ang nasa 50% ng retail payments sa digital form sa 2023, kung saan 70% ng adult Filipinos ang gumagamit na ng serbisyo ng bangko.

Ayon kay Diokno, natapos na nila ang pag-aaral para sa posibleng central bank digital currency (CBDC).


Kailangan pa rin aniya ng magsagawa ng karagdagang pag-aaral at pananaliksik hinggil dito.

Ang benepisyo ng CBDC ay ang pagkakaroon ng financial inclusion, pagtugon sa unti-unting hindi paggamit ng physical cash, pagpapalawak ng options para sa monetary policy, at paghihikayat ng kompetisyon at inobasyon sa payments system.

Ang mga posibleng banta naman ay financial disintermediation, consumer welfare at loss of privacy, pagtaas ng halaga sa banking system dahil sa posibleng kompetisyon sa pagitan ng CBDCs at bank deposits at insidente ng money laundering, pagpopondo sa terorismo at isyu sa cybersecurity.

Facebook Comments