Digital disbursement ng ikalawang tranche ng SAP, sisimulan sa susunod na linggo

Magsisimula na sa susunod na linggo ang digital disbursement ng second tranche ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay makikipag-partner sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa mabilis na pamamahagi ng emergency subsidies sa mga benepisyaryo ng ikalawang bahagi ng SAP.

Ayon sa DSWD, isinasapinal na ang mga detalye hinggil sa disbursement process katuwang ang financial service provinders.


Kinikilala ng DSWD ang digital disbursement bilang pinakamadaling paraan sa pamamahagi ng SAP subsidies.

Anila, ang BSP ay dalubhasa na sa digitalization na kailangan sa maayos at mabilis na distribution ng SAP aid sa mga benepisyaryo.

Ang digital electronic disbursement ay isasagawa sa pamamagitan ng transaction accounts tulad ng bangko o e-money accounts.

Sa huling datos ng DSWD, nakapamahagi na sila ng ₱6.746 billion na halaga ng second tranche ng cash subsidies sa higit 1.3 milyon beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na cash card holders.

 

Sakop ng SAP 2 ang Central Luzon (maliban sa Aurora Province), Metro Manila, CALABARZON, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay at Zamboanga City.

Facebook Comments