Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbuo ng isang digital ID na magpapatunay sa isang indibidwal na ito ay nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang digital ID ay mayroong QR code na siyang magiging katunayan ng pagiging bakunado ng isang indibidwal.
Aniya, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang siyang mangunguna sa paglikha ng digital ID.
Sa kasalukuyan, ang ipinanukala ng mga lokal na pamahalaan ay mga card bilang patunay ng pagiging bakunado.
Nakapaloob dito ang impormasyon gaya ng brand ng bakuna at kung kumpleto na ba ang dosage ng indibidwal, maging ang petsa ng kanyang pagpapaturok.
Facebook Comments