DIGITAL INFORMATION KIOSK, ACTIVATED NA SA MANGATAREM

Nakadisplay na sa gazebo ng munisipyo ng Mangatarem ang Digital Information Kiosk para sa mabilis na akses sa serbisyo, balita, kaganapan, at mahahalagang anunsyo ng bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, makakatulong ang bagong kiosk upang maihatid ang napapanahong impormasyon ng bayan. Kasama dito ang public advisory, emergency announcements, at iba pang paalala para sa publiko.

Bukod pa rito, kasama rin sa kiosk ang mahahalagang kultura at turismo ng Mangatarem.

Sa Pangasinan, nagsumite ng resolusyon ang pamahalaang panlalawigan sa paglalagay ng kahalintulad na interactive kiosk sa bawat provincial government office buildings at ospital noong 2021. Naglalaman naman ito ng impormasyon sa kabuuang impormasyon ng empleyado tulad ng service record, employee performance at leave balances.

Samantala, ilang ‘eGov Kiosk’ naman ang parehong naglalayong mapadali ang akses sa government services mula sa iba’t-ibang opisina na inilunsad ng Department of Information and Communications Technology.

Inaasahan namang mas mapadadali ng naturang kiosk ang pagkuha ng impormasyon at koneksyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga residente.

Facebook Comments