Tiwala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tututukan din ng papasok na administrasyong Marcos ang digital transformation sa bansa.
Ito ang inihayag ni DICT acting Sec. Emmanuel Caintic kasunod ng kaniyang pagpa-abot ng pagbati kina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Caintic, susuportahan ng DICT ang mga plano ng bagong administrasyon sa pagpapaunlad gayundin sa pagpapaganda ng digital infrastructure ng bansa.
Habang hinihintay pa kung sino ang itatalaga ni Marcos Jr., na magiging bagong DICT secretary, sinabi ni Caintic na tuluy-tuloy lamang sila sa pagganap ng tungkulin na bigyan ng mabilis, episyente at maayos na serbisyo ang mga Pilipino.
Facebook Comments