DIGITAL NATIONAL ID, INILABAS NG DICT, PSA

CAUAYAN CITY – Maari nang maaccess sa pamamagitan ng cellphone upang gamitin bilang valid identification sa anumang uri ng transaksyon ang Digital National ID.

Ito ay inilunsad ng Department of Information and Technology at Philippine Statistics Authority.

Ang Digital na National ID ay ang official na version ng nabanggit na ID na maaaring ma access sa internet sa pamamagitan ng computer o cellphone.


Maaaring ma-access at tingnan ng sinumang nakarehistro sa system ang kanilang digital national ID sa pamamagitan ng ibinigay na link (https://national-id.gov.ph) o i-download ang eGovPH app.

Batay sa pinakahuling tala ng PSA, umaabot na sa 87.6 milyon Pilipino ang nakarehistro na sa Philsys.

Facebook Comments